5-tulak ng droga nadakma

PAMPANGA – Limang sibilyan ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya makaraang maaktuhang nagpa-pot session sa Barangay Sto. Tomas, Lubao, Pampanga kamakalawa. Naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Romeo Luis, 40; Elmer Engwa Ocampo, 35; Asia Michaella, 19; Angelito Abril, 26; at Elena Macatuno, 32, na pawang residente ng Brgy. San Nicolas, Sto. Tomas at Brgy. Sta. Cruz.

Ayon kay SPO1 Albert Manabat, ang mga suspek ay nadakma sa bahay ni Ocampo at nakumpiskahan ng 10 plastics sachets na naglalaman ng shabu. (Ulat ni Resty Salvador)

Show comments