^

Probinsiya

Sanggol natusta sa incubator

-
BALANGA CITY, Bataan – Hindi na naaninag ng sanggol ang liwanag ng araw makaraang masunog at mamatay sa loob ng modernong incubator sa Bataan General Hospital sa lungsod na ito noong nakalipas na linggo.

Sa isang exclusive interview kahapon, ang biktima ay kinilala ni Dra. Cynthia Guevarra, chief of clinics ng BGH, na si Angelito Jake Cornelio na nagtamo ng 2nd degree burns sa mukha na bagamat sinikap pang isalba ay nasawi rin ito matapos ang 24-oras noong Marso 1, 2005.

Napag-alaman, na kulang sa buwan ang sanggol na ipinanganak ni Michelle Vetus-Cornelio, 24, ng Barangay Ipag, Mariveles noong Pebrero 1, subali’t sa kakulangan nga ng araw ay premature kaya’t inilagay sa modernong incubator.

Unti-unti naman sumigla ang sanggol kaya’t inilipat sa isang improvised incubator at kinabitan din ng improvised oxygen hood.

Ayon kay Dra. Guevarra, noong Pebrero 28 ng gabi ay aksidenteng sumiklab ang droplight ng improvised incubator at nahagip ang oxygen na nakakabit kaya’t nasunog ang mukha ng sanggol.

Ikinuwento ng doktora na nagkataon na isang nanay ang nagpapadede sa kanyang sanggol sa loob ng NICU nang makita nito na nagliyab ang nakakabit na oxygen sa biktima kaya’t nagsisigaw ito.

Kaagad naman rumesponde ang nag-iisang nurse on-duty na si Marivic Pulido na noo’y inaasikaso naman ang isang sanggol na bagong silang pa lamang at agad na hinugot ang nakakabit na oxygen sa biktima at isinugod sa infirmary.

Agad na sinuri ang sanggol na nasunog ang mukha bago nilapatan ng lunas, subalit hindi na nakayanan ng biktima at tuluyang namatay. (Ulat ni Jonie Capalaran)

vuukle comment

ANGELITO JAKE CORNELIO

BARANGAY IPAG

BATAAN GENERAL HOSPITAL

CYNTHIA GUEVARRA

DRA

JONIE CAPALARAN

MARIVIC PULIDO

MICHELLE VETUS-CORNELIO

PEBRERO

SANGGOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with