PMA cadet hulog mula sa kisame, patay
March 10, 2005 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang nasawi matapos na mabagok ang ulo nang aksidenteng mahulog mula sa 20 talampakang taas ng kisame habang nagkakabit ng ilaw sa Yap Hall sa loob ng academya sa Fort del Pilar, Baguio City kamakalawa.
Kinilala ni Phil. Navy Lt. Alvin Lopez, public information officer ng PMA ang biktima na si Fourth Class Cadet Abigail Manuel M. Tolentino, 19, tubong Kabacan, North Cotabato.
Sinabi ni Lopez, na ang insidente ay naganap dakong alas-2:30 ng hapon habang inihahanda ng Technical Committee na kinabibilangan ng biktima ang mga ilaw para sa Ring Hop ng PMA Class 2005.
Ang biktima ay binawian ng buhay habang inooperahan sa ulo sa Baguio General Hospital sanhi ng pagkabasag ng bungo at massive cerebral hemorrhage.
Sa inisyal na imbestigasyon, ikinakabit ng biktima ang ilaw sa kisame ng mawalan ito ng balanse at mahulog sa semento.
Nagawa pang maisugod ang biktima sa Fort del Pilar Hospital para malapatan ng lunas, pero agad ring inilipat sa Baguio General Hospital dahilan sa delikado nitong kalagayan.
Dinala na ang bangkay ng biktima sa La Paz Funeral Homes sa Baguio City para sa kaukulang disposisyon.
Binigyang diin ni Lopez na bagaman aksidente ang pangyayari ay kasalukuyan nilang iniimbestigahan kung bakit walang suot na safety gear ang biktima nang tumulong sa pagkakabit ng ilaw hanggang sa mahulog ang biktima na siya nitong ikinasawi. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended