Maid na kasabwat sa murder nadakma
March 9, 2005 | 12:00am
CAMP CRAME Nadakip ng mga awtoridad ang isang katulong na kasabwat ng kanyang among lalaki sa pagpatay sa misis nito matapos na matunton ang kanyang pinagtataguan sa Davao City, ayon sa ulat kahapon.
Ang suspek na nakilalang si Ann Joy Dawa ay nabitag ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Karen Po Videoke Bar sa kahabaan ng Rizal Poblacion ng lungsod.
Si Dawa ay nasakote bandang alas-8 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Eduardo Tanguanco ng Regional Trial Court, Bacoor Cavite Branch 89, na may piyansang P.2 milyon.
Ayon kay P/Chief Supt. Ricardo Dapat, officer-in-charge ng PNP-CIDG, ang suspek ay kasabwat ng kanyang among si Ronald Aldana, alyas Dennis sa pagpatay sa kanyang misis na si Charlotte noong Nobyembre 26, 2004 sa Springville Subdivision, Bacoor, Cavite.
Lumilitaw naman sa imbestigasyon, na pera ang pinag-aawayan ng mag-asawa na humantong sa pamamaslang.
Sa pangambang madamay sa pagkakaaresto sa kanyang among lalaki ay nagtago ang suspek sa kanilang lugar sa Davao, subalit nasundan ito ng mga awtoridad. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended