Sa 38-pahinang desisyon ni Judge Romeo Danas ng Regional Trial Court Branch 1, hinatulan ng habambuhay si Reynaldo Barde, habang pinawalang sala naman ang utol nitong si Jimmy Barde na kapwa naninirahan sa Barangay Mancao, Rapu-Rapu, Albay.
Bukod sa habambuhay na hatol ay pinagbabayad ng malaking halaga ang akusado sa mga naging biktima ng trahedya noong April 15, 1999.
Naging malakas ang isinumiteng ebidensya laban sa akusado matapos na ituro ng mga saksi na siyang naghagis ng granada sa gitna ng sayawan.
Kaagad namang ililipat ang akusado sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City mula sa kinakukulungan nito sa Albay Provincial Jail na umabot ng anim na taon. (Ulat ni Ed Casulla)