^

Probinsiya

Life hatol sa Albay bomber

-
LEGAZPI CITY — Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw ng mababang korte laban sa 35-anyos na akusado makaraang mapatunayang nagpasabog sa sayawan sa Barangay Liguan, Rapu-Rapu, Albay noong 1999 na ikinasawi ng labinlima-katao at ikinasugat naman ng 76 sibilyan.

Sa 38-pahinang desisyon ni Judge Romeo Danas ng Regional Trial Court Branch 1, hinatulan ng habambuhay si Reynaldo Barde, habang pinawalang sala naman ang utol nitong si Jimmy Barde na kapwa naninirahan sa Barangay Mancao, Rapu-Rapu, Albay.

Bukod sa habambuhay na hatol ay pinagbabayad ng malaking halaga ang akusado sa mga naging biktima ng trahedya noong April 15, 1999.

Naging malakas ang isinumiteng ebidensya laban sa akusado matapos na ituro ng mga saksi na siyang naghagis ng granada sa gitna ng sayawan.

Kaagad namang ililipat ang akusado sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City mula sa kinakukulungan nito sa Albay Provincial Jail na umabot ng anim na taon. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

ALBAY PROVINCIAL JAIL

BARANGAY LIGUAN

BARANGAY MANCAO

ED CASULLA

JIMMY BARDE

JUDGE ROMEO DANAS

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BILIBID PRISONS

RAPU-RAPU

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with