^

Probinsiya

Ex-security aide ng mayor, 1 pa itinumba

-
LIPA, Batangas — Tinambangan at napatay ang isang dating close-in security aide ng alkalde sa Batangas at ang drayber ng pampasaherong dyipni sa naganap na karahasan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Pinagkawitan, Lipa, Batangas kahapon ng umaga. Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Rudy Mendoza, 50, ng Rosario at dating security aide ni Mayor Rudy Villar ng nabanggit na bayan.

Nadamay din ang drayber ng jeep na si Romel Dapoc, 26, ng San Juan, Batangas matapos na tamaan ng bala sa likurang bahagi ng ulo na ikinasawi rin nito.

Sa ulat na nakarating kahapon kay P/Sr. Supt. David Quimio, hepe ng Lipa PNP, bandang alas-6:30 ng umaga kahapon habang sakay ng pampasaherong dyipni si Mendoza nang biglang bumunot ng baril ang isa sa pasahero at pinaputukan ng dalawang beses sa ulo ang biktima na nakaupo malapit sa drayber.

Namatay din ang drayber matapos na tamaan ng isang bala ng kalibre.45 baril sa likurang bahagi ng ulo. (Uat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY PINAGKAWITAN

BATANGAS

DALAWANG

DAVID QUIMIO

MAYOR RUDY VILLAR

ROMEL DAPOC

RUDY MENDOZA

SAN JUAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with