3 pumalag sa holdap, grabe
March 8, 2005 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang tatlong manggagawa ng RFMCI Construction Supply na pinaniniwalaang pumalag sa naganap na holdap sa kahabaan ng Barangay Dalig ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Antipolo Doctors Hospital ang mga biktimang sina: Allan Layam, 28; Joel Camog-hod, 24; at Donna Mae Dega, 17, ng nasabing lugar.
Nakilala naman sa rogue gallery ng pulisya ang dalawa sa mga suspek na sina: Christopher Minlay at Rolando Saligo na pawang notoryus na holdaper. Sa ulat, sakay ng Tamaraw FX na may plakang TFC-532 ang mga biktimang nang harangin ng apat na suspek na lulan ng dalawang motorsiklo. Nanlaban ang mga biktima kaya pinaputukan ng sunud-sunod. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended