24 naisalba sa sex den
March 8, 2005 | 12:00am
BULACAN Dalawamput apat na kababaihan kabilang na ang anim na menor-de-edad ang naisalba ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group makaraang salakayin ang isang diskuhan na pinaniniwalaang front ng prostitusyon sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay Lolomboy, Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Sa ulat nina P/Inspector Fernando Ferrer at Marlon Sanchez II, bandang alas-10 ng gabi nang salakayin ang DCorrs Disco pub na pag-aari ni Eduardo Laguitao ng Barangay Lumbok, Pulilan, Bulacan.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng kababaihan at kasalukuyang nasa pangangalaga ni Rowena Joson, hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended