^

Probinsiya

4 tinedyer nalunod sa ilog

-
LEMERY, Batangas – Nauwi sa malagim na trahedya ang masaya sanang outing ng apat na magkakabarkada matapos malunod ang mga ito sa ilog na sakop ng Sinisisaan West, Lemery, Batangas kamakalawa.

Kinilala ni Chief Inspector Crod Maranan, hepe ng PNP sa bayang ito, ang mga biktima na sina Leon Magnaye, 13; Jeffrey Magnaye, 17; Jay-R Buno, 13; at John Mark Bendaña,14, na pawang residente ng Barangay Arumahan sa bayang ito.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-tres ng hapon nang magkayayaan ang magkakaibigan na maligo sa ilog ng Sinisian na matatagpuan sa Sinisisaan, West, ngunit hindi na nakabalik ang mga ito sa kani-kanilang mga bahay.

Sinubukang hanapin ng mga magulang ng mga bata nang kumagat na ang dilim, pero hindi nila natagpuan ang mga ito.

Laking gulat na lang ng mga residente ng makita nila kinabukasan ang mga namamaga nang katawan ng mga biktima na palutang-lutang sa gilid ng ilog. (Ulat nina Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY ARUMAHAN

BATANGAS

CHIEF INSPECTOR CROD MARANAN

ED AMOROSO

JAY-R BUNO

JEFFREY MAGNAYE

JOHN MARK BENDA

LEON MAGNAYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with