^

Probinsiya

Piloto nawawala sa bumagsak na eroplano

-
Isang piloto ng isang pribadong single engine Cessna plane ang iniulat na nawawala makaraang aksidenteng bumagsak ang nasabing sasakyang panghimpapawid sa karagatan ng Jomalig Island malapit sa Pullilan Island, Quezon kamakalawa.

Kinilala ang pinaghahanap na biktima na si Captain Raymond Castillo ng Chemrad Company.

Batay sa report ang nasabing eroplano na may numerong RPC-2079 ay naglalaman ng mga isda galing Palawan ng aksidente itong bumagsak sa karagatan ng Quezon bandang ala-1:20 nitong Sabado.

Nagawa pa umanong rumadyo ng biktima sa Manila Control tower upang ipagbigay alam na nagsasagawa ito ng emergency landing sa karagatan dahilan sa hindi inaasahang maubusan ng Al fuel gas.

Kaagad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga tauhan ng 505th Wing Search and Rescue Team ng Phil. Air Force (PAF) para marekober ang biktima.

Sa pinakahuling impormasyong nakuha mula kina PAF pilot Captain Noel Plotado at Co-pilot Capt. Jerry Naldoza; kapwa ng 505th Search and Rescue Group, lubhang nahihirapang magsagawa ng sea operation sa lugar na pinagbagsakan ni Castillo dahilan sa napakalakas na alon.

Sinikap ring makakita man lang ng piraso ng bahagi ng eroplanong bumagsak sa karagatan ngunit hanggang sa ngayon ay bigo pa rin ang mga nagsasagawa ng air and sea operations. (Butch Quejada)

AIR FORCE

BUTCH QUEJADA

CAPTAIN NOEL PLOTADO

CAPTAIN RAYMOND CASTILLO

CHEMRAD COMPANY

JERRY NALDOZA

JOMALIG ISLAND

MANILA CONTROL

PULLILAN ISLAND

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with