Bus hulog sa bangin: Bata patay; 42 pa sugatan
March 7, 2005 | 12:00am
Camp Crame Isang 5 anyos na batang lalaki ang nasawi samantalang 42 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa isang malalim na bangin ang isang pampasaherong bus sa Brgy. Silangan, Malicboy, Pagbilao, Quezon kahapon ng madaling-araw.
Sa isang phone interview, kinilala ni CALABARZON Chief P/ Director Oscar Calderon ang nasawing biktima na si Aaron Lucero, dead-on-the-spot sa insidente.
Ayon kay Calderon ang mga nasugatang biktima ay mabilis na isinugod sa Jane County Hospital sa bayan ng Pagbilao ng mga nagrespondeng elemento ng rescue team ng pulisya at lokal na pamahalaan para malapatan ng lunas.
Sinabi ni Calderon na bandang alas-12:30 ng madaling-araw nitong linggo habang bumabagtas sa matarik na bahagi ng Brgy. Silangan Malicboy ang MRII Princess bus na may plakang NYJ-813 na galing Samar at patungong Metro Manila ng maganap ang sakuna.
Ayon sa opisyal , lumilitaw sa pangunang imbestigasyon na sobrang bilis ng takbo ng bus hanggang sa mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito.
Sinabi ni Calderon na sumalpok sa isang malaking puno ang bus kung saan sa lakas ng pagkakabangga ay nauna ang hulihang bahagi nito na sumabit pa ng ilang saglit sa tagiliran ng may 60 talampakang lalim ng bangin bago ito tuluyang bumulusok sa lupa.
Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay pinaghahanap nila ang tumakas na driver ng bus na nakuha pang makatalon sa behikulo bago ito tuluyang nahulog sa bangin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended