Ito ang nabatid kahapon sa patuloy na imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso ng pagdukot sa mga biktimang sina Engineer Vincent Jariol at Gerald Tumawis.
Ayon kay Marine Brig. Gen. Ben Dolorfino, commander ng Joint Task Force Ranao, bumuo na sila ng Crisis Management Team kaugnay ng kaso ng pagdukot sa dalawang biktima.
Ipinarating din ni Jariol sa kanyang misis na nasugatan siya sa ulo matapos na manlaban sa kanilang mga abductors nang tutukan sila ng baril.
Base pa sa deskripsiyon ni Jariol, dinala sila ng mga kidnaper sa kabundukan ng Balaoi, Lanao del Norte.
Ang mga biktima ay kinidnap sa Iligan City noong Huwebes matapos na harangin ang kanilang kulay itim na Starex van na may plakang KCR-978.
Ilang oras naman matapos dukutin ang mga biktima ay narekober ng Task Force Ranao ang nasabing Starex van na may bahid ng dugo matapos abandonahin sa bayan ng Pantao Ragat. (Ulat ni Joy Cantos)