Estudyante ni-rape ng adik

PAMPANGA — Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 16-anyos na kolehiyala upang sampahan ng kasong rape ang isang 30-anyos na lalaki sa Barangay Pandacaqui, Mexico, Pampanga.

Itinago sa pangalang Corazon ang biktima, habang ang suspek na nakilalang si Duel Pineda na pinaniniwalaang adik sa droga ay nakalalaya pa sa kasalukuyan. Sa ulat ng pulisya, ang biktima ay hinalay sa madilim na bahagi ng nabanggit na barangay matapos na harangin ng suspek habang papauwi ang dalaga mula sa paaralan. (Ulat ni Resty Salvador)

Show comments