^

Probinsiya

P10-M kontrabando nasabat

-
SUBIC BAY FREEPORTUmaabot sa P10-milyong mga bagong automotive spare parts na tangkang ipuslit palabas ng Freeport Zone ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Smuggling Task Force (ASTF) at ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) sa loob ng Naval Supply Depot (NSD) compound kamakalawa.

Sa isinagawang operasyon ng Task Force at ng BoC police, ang kontrabando ay nakapaloob sa dalawang 40-footer container van na unang idineklarang naglalaman ng mga imported used automotive spare parts at lumang sasakyan mula sa Shinyong Automobile Company sa South Korea na may halaga lamang na $1,000.

Ngunit, ayon kay ASTF-Subic commander ret. Lt. Gen. Jose Calimlim, nadiskubre na nakapaloob din sa dulong bahagi ng dalawang container van ang mga kahon na naglalaman ng mga brand new spare parts tulad ng bull bars, top load, piston sets, brake assembly at iba pa na sinasabing aabot sa P10-milyon.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang nakatalang importer consignee na Barre Two Company Incorp. na pag-aari ni Eduardo Barreto na kasalukuyang presidente ng Motor Vehicle Importers Association sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sinabi naman ni ESS-CPD commander Major Camilo P. Cascolan Jr., na ang mga nakumpiskang kontrabando ay pansamantalang ilalagak sa bodega ng customs at isasama sa mga isusubasta, kasabay ng ibang kargamento na nasamsam sa nakalipas na operasyon. (Jeff Tombado )

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

BARRE TWO COMPANY INCORP

CASCOLAN JR.

EDUARDO BARRETO

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE-CUSTOMS POLICE DISTRICT

FREEPORT ZONE

JEFF TOMBADO

JOSE CALIMLIM

MAJOR CAMILO P

MOTOR VEHICLE IMPORTERS ASSOCIATION

NAVAL SUPPLY DEPOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with