Aminado ang mga cavalier na takot silang mahawahan ng meningococcemia, ang dahilan ng hindi pagsipot ng ilan sa kanilang mga mistah at nagpasya na rin na hindi isama ang kanilang pamilya.
Samantala, ang iba ay bunga na rin ng pagtitipid bilang bahagi ng austerity measures.
Dahil dito, upang mapawi lamang umano ang pagkabahala, nabakunahan na laban sa naturang sakit ang mga kadete at kawani nito.
Samantala, kabilang sa mga pinarangalang cavalier sa taong ito ay sina: Cav. Guillermo Parayno Jr. ng Class 70, para sa Public Administration; Cav. Jose Nano, 74, para Military Professional in Command and Administration; Cav. Danilo M. Cortez, 77, Military Professional in Naval Operations; Cav. Renato Lorenzo A. Sanchez, 79, Military Professional in Air Operations; Cav. Teotimo A. Ballesteros Jr., 85, Private Enterprise; Cav. Dionicio C. Borromeo, 89, Police Professional in Police Operations; at Cav. Harold M. Cabunoc, 94, Military Professional in Army Operations. (Joy Cantos)