^

Probinsiya

PMA alumni, naduwagsa meningo

-
FORT DEL PILAR, Baguio City – Sa takot mahawahan ng sakit na meningococcemia, kapansin-pansin na nabawasan ang dumalong cavalier sa pagdiriwang ng ika-100 taong Alumni Homecoming ng Philippine Military Academy (PMA) kahapon.

Aminado ang mga cavalier na takot silang mahawahan ng meningococcemia, ang dahilan ng hindi pagsipot ng ilan sa kanilang mga mistah at nagpasya na rin na hindi isama ang kanilang pamilya.

Samantala, ang iba ay bunga na rin ng pagtitipid bilang bahagi ng ‘austerity measures’.

Dahil dito, upang mapawi lamang umano ang pagkabahala, nabakunahan na laban sa naturang sakit ang mga kadete at kawani nito.

Samantala, kabilang sa mga pinarangalang cavalier sa taong ito ay sina: Cav. Guillermo Parayno Jr. ng Class ’70, para sa Public Administration; Cav. Jose Nano, ’74, para Military Professional in Command and Administration; Cav. Danilo M. Cortez, ’77, Military Professional in Naval Operations; Cav. Renato Lorenzo A. Sanchez, ’79, Military Professional in Air Operations; Cav. Teotimo A. Ballesteros Jr., ’85, Private Enterprise; Cav. Dionicio C. Borromeo, ’89, Police Professional in Police Operations; at Cav. Harold M. Cabunoc, ’94, Military Professional in Army Operations. (Joy Cantos)

AIR OPERATIONS

ALUMNI HOMECOMING

ARMY OPERATIONS

BAGUIO CITY

BALLESTEROS JR.

CAV

COMMAND AND ADMINISTRATION

DANILO M

DIONICIO C

MILITARY PROFESSIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with