Kuya pinatay ni bunso

Daet, Camarines Norte Dahilan lamang sa pagka-istorbo sa pagtulog, isang 29-anyos na lalaki ang pinatay sa saksak ng nakababata nitong kapatid sa Purok 1, Brgy. San Isidro ng nasabing bayan kahapon ng umaga.

Dead on arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Valentin Babol, may-asawa habang kusang loob namang isinuko ng kanilang ina sa mga awtoridad ang kanyang bunsong anak na si Juvy Babol alyas Atog, 20-anyos, binata; pawang residente ng nasabing lugar sa himpilan ng Daet Police Station.

Sa sinumpaang salaysay ng ina ng magkapatid kay PO3 Ireneo Mendoza, bandang alas-6:45 kahapon ng umaga nang mag-away ang magkapatid matapos gisingin ng biktima ang natutulog na suspect.

Kumuha ng kutsilyo sa kusina ang suspek at pinagsasaksak ang biktima hanggang mapatay. (Francis Elevado)

Show comments