10 sugatan sa aksidente

NUEVA ECIJA — Sampu-katao kabilang na ang sanggol na kambal ang iniulat na nasugatan makaraang sumalpok ang van na sinasakyan ng mga biktima sa railing ng tulay sa Barangay Sto. Rosario, Sta. Rosa, Nueva Ecija kamakalawa. Naisugod naman sa Nueva Ecija Doctor’s Hospital ang mga biktimang sina: Rosaminda Palomo; Elizabeth Indonilla; Corina Chelko; Rommel Feliciano; Fernando Eugenio; Fe Tayo; Robert Tayo; Rodora Feliciano at ang kambal na Rafael at Raymond Feliciano na pawang residente ng Barangay sa San Jose, San Miguel, Bulacan.

Ang mga biktimang lulan ng van (TTK-189) ay nagsimba bago maganap ang aksidente dakong alas-5:45 ng umaga. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments