^

Probinsiya

20 sasailalim sa retraining course sa Subic Bay

-
SUBIC BAY FREEPORT — Upang lalong mapahusay ang paghawak ng baril laban sa masasamang elemento ay sasailalim sa retraining course sa firing range sa Cubi Point, Subic Bay ang 20 tauhan ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD).

Ang pagsasanay ay ilan lamang sa programang isasagawa ni dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group Dir. General Nestor Gualberto na ngayon ay ESS-CPD commander sa pangunguna ni ESS-CPD Subic District commander Maj. Camilo P. Cascolan Jr., at deputy district chief Lt. Lauro Gregorio.

Napag-alamang si Odie Serrano, dating customs police official ang tatayong tagapagsanay na ngayon ay professional gun trainer sa loob ng 20-taon sa nasabing bureau.

"Malaking tulong para sa mga tauhan ng Bureau of Customs police ang re-training course na inilaan ni Gualberto dahil sa mas lalo pang masanay ang kanilang sarili sa tamang pagdadala, paghawak at pagputok ng baril at maging ang tamang pagsukbit sa bewang ng may holster," pahayag ni Cascolan Jr.

Napag-alaman na karamihan sa mga nagsanay sa re-training ay matagal ng hindi nakapagsanay ng husto sa pagpapaputok ng baril sa loob ng 20-taong nakalipas na, ayon kay Cascolan ay kauna-unahan na ginanap sa tulong ni Gualberto. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

CAMILO P

CASCOLAN JR.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP DIR

CUBI POINT

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE-CUSTOMS POLICE DISTRICT

GENERAL NESTOR GUALBERTO

GUALBERTO

JEFF TOMBADO

LAURO GREGORIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with