Brodkaster tinusok sa batok, grabe
February 6, 2005 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Agaw-buhay ang isang brodkaster makaraang saksakin ito ng screwdriver sa batok ng isang vendor na Muslim sa tapat ng istasyon ng pulisya sa Brgy. Sta. Cruz ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City ay nakilalang si Jess Aborondo, 58, radio commentator ng dwDD at residente ng Brgy. Dela Paz ng nasabing lungsod.
Ayon kay Rizal Provincial Director Sr. Supt. Leocadio Santiago Jr., naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng gabi sa tapat ng panaderya sa Cogeo Gate 2 Brgy. Sta. Cruz, sa harapan ng sub-station 3 ng Antipolo police.
Nabatid na kasalukuyang nakikipag-usap ang biktima sa ilang tindero sa nasabing lugar nang bigla na lang lapitan ito ng suspek na armado ng mahabang screwdriver at tinarakan ito sa batok.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek habang iniwang nakabaon ang screwdriver sa batok ng biktima.
Mabilis na isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina, subalit dahil sa delikadong kalagayan ay napilitang ilipat sa St. Lukes sa Quezon City.
Ayon naman sa anak ng biktima na si Jason, sinabi sa kanya ng doktor na kung sakaling mabuhay ang kanyang ama ay malaki ang posibilidad na maparalitiko ito dahil ang tama nito ay malapit sa spinal cord.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya para sa agarang pagkadakip sa suspek. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended