^

Probinsiya

6 bahay ni Calimlim sa Subic Bay?

-
SUBIC BAY FREEPORT — Bukod sa anim na sensitibong posisyon na hawak sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ni Anti-Smuggling Task Force chief ret. Lt. Gen. Jose Calimlim, pinaniniwalaang aabot sa P2 milyon ang nagastos ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa pagpapaayos at pagpapaganda ng kanyang bahay sa ekslusibong Kalayaan housing dito.

Ito ang isiniwalat sa PSN ng isang impormante na tumangging ihayag ang pangalan sa nabulgar na milyong pondo ng SBMA ang nagastos sa renovation lamang ng bahay ni Calimlim sa 37-ANB St., West Kalayaan, Subic Bay Freeport.

Ayon sa impormante, maging ang mga kawani na nakatalaga sa maintenance department ng SBMA at ng Freeport Service Corporation (FSC) ay inobligang ayusin ang bahay ni Calimlim sa kabila ng mahigpit na ipinagbabawal ng SBMA na gamitin ng isang opisyal ang kanyang mga empleyado sa pang-personal na interes.

Nabatid pa sa source, nagkaroon umano ng iregularidad sa transaksyon sa pagitan ng mga tiwaling opisyal para sa mabilisang pagpapalabas ng P2 milyon pondo ng SBMA at FSC para sa 100% renovation ng bahay ni Calimlim at maging ang Commission on Audit (COA) ay walang nalalaman tungkol sa ilegal na paglabas ng pera na galing sa kaban ng bayan.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng source, kung may katotohanan ang kumakalat na balita na may anim pang housing unit ang umano’y kinopo ni Calimlim na posibleng ibigay o kaya ipahiram sa kanyang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan na libre ang renta.

Inaalam din ng source kung may katotohanan ang balitang ginagamit ni Calimlim ang kanyang mga tauhan sa Anti-Smuggling Task Force sa Subic Bay para sa treasure hunting. (Ulat ni Jeff Tombado)

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

AYON

CALIMLIM

FREEPORT SERVICE CORPORATION

JEFF TOMBADO

JOSE CALIMLIM

SUBIC BAY

SUBIC BAY FREEPORT

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

WEST KALAYAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with