10 drug user huli sa pot session
January 30, 2005 | 12:00am
Sto. Tomas, Batangas Sampung drug user ang inaresto ng pulisya matapos maaktuhang sumisinghot ng ilegal na droga kamakalawa ng gabi sa bayang ito. Batay sa report, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Concepcion Gonzaga ng Metropolitan Trial Court ng Sto. Tomas ay sinalakay ng mga operatiba ng pulisya sa pangunguna ni P/Chief Insp. Raul Tacaca ang bahay ng suspek na si Arthur Cacao sa Brgy. San Roque sa bayang ito pasado alas-3 ng hapon.
Ayon kay P/Sr. Supt. Francisco Don Montenegro, Provincial Director ng Batangas Provincial Police Office, nasamsam mula sa mga suspek ang 20 gramong shabu, 10 gramong marijuana at mga drug paraphernalia. Kabilang pa sa mga inaresto at kasalukuyang iniimbestigahan sa Sto. Tomas Police Station ay sina Erwin Lopez, 39; Allan Gonzales, 23; Noel Pusing, 28; Fernando Mexico, 34; Morena Manzolim, 36; Romel Medrano, 30; Crisanto de la Cruz, 25; Leny Villafranca, 21; at Miguelito Capino, 33 taong gulang . (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
5 hours ago
Recommended