^

Probinsiya

Alyansang JI at Muslim rebels sa Mindanao, pilay na

-
Camp Aguinaldo – Demoralisado at pilay na ang operasyon ng mga teroristang Jemaah Islamiyah (JI) gayundin ng kaalyado ng mga itong mga rebeldeng Muslim makaraan ang inilunsad na "air strike operations" ng militar sa Datu Piang, Maguindanao na ikinasawi ng 40 mula sa naturang grupo kamakalawa.

"Isa itong malaking dagok sa mga JI na nagtutungo sa Mindanao, hindi namin sila tatantanan," mariing babala pa ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Alberto Braganza.

Sa kabuuang 40 nasawing rebelde sa "air strike operations" ay dalawa rito ang JI terrorist na pawang Indonesian national habang ang iba pa ay mula naman sa grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) renegades at Abu Sayyaf Group (ASG).

Nabatid na may 20 fighters ng Abu Sayyaf ang ngayo’y kasama ng mahigit pang 200 MILF renegades at ng kanilang kinakanlong na JI terrorist sa Central Mindanao.

Sinasabing matagal ng may namamagitang alyansa sa grupo ng mga rebeldeng MILF at ng mga JI terrorist na sangkot sa paghahasik ng terorismo sa bansa bagaman patuloy itong itinatanggi ng naturang separatistang rebeldeng grupo. Kaugnay nito, tiwala naman si Braganza na di ito makakaapekto sa peace talks sa pagitan ng MILF at GRP peace panels. (Ulat ni Joy Cantos)
vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ALBERTO BRAGANZA

BRAGANZA

CAMP AGUINALDO

CENTRAL MINDANAO

DATU PIANG

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SOUTHCOM CHIEF LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with