Negosyante binoga ng holdaper
January 30, 2005 | 12:00am
Camp Crame Patay ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin ng manlaban sa hindi pa nakilalang mga armadong holdaper sa lalawigan ng Laguna kamakalawa.
Hindi na umabot ng buhay sa Calamba Medical Center ang biktimang kinilalang si Avelino Conui, 50, ng del Pilar St., Brgy. 4, Calamba ng lalawigang ito.
Batay sa ulat, bandang alas-7 ng gabi habang papauwi na ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo ng harangin ng mga suspek at puwersahang tangayin ang kanyang clutch bag na naglalaman ng P200,000 cash at tseke.
Nabatid na habang inaagaw ng mga suspek ang clutch bag ng negosyante ay nanlaban ito kaya pinagbabaril ng mga holdaper na mabilis na tumakas dala ang motorsiklo ng biktima.
Narekober naman sa isinagawang follow-up operations ng mga awtoridad ang motorsiklo ng biktima sa Ma. Salome Subdivision, Brgy. Halang ng lalawigan. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended