Kasalukuyang nakapiit ang suspek na si Aurelio B. Marzan, 19, 3rd year student sa Tabuk National High School matapos na makorner sa kanyang pinagtataguang bahay ng kanyang tiyuhin sa nabanggit na barangay, ayon kay P/Senior Supt. Ben delos Santos, hepe ng Cordillera PNP intelligence and investigation unit.
Ayon kay Kalinga police Chief Supt. James Dogao, pinagtutulungang tugisin ng mga operatiba ng PNP-Regional Intelligence Office 14 ang anim na suspek simula nang mapatay ang biktima.
Sa pahayag ni Cordillera PNP director Chief Supt. Jesus Verzosa at Chief Supt. Dogao, noong Enero 4, 2005, habang inihaharap sa mga mamamahayag ang tatlong suspek ay umamin ang isa na sangkot siya sa brutal na pagpatay kay Omaois.
Napag-alamang si Omaois na ika-13th sa hanay ng mamamahayag ang napaslang noong 2004 ay natagpuan sa bayan ng Tabuk, Kalinga na may palatandaang pinahirapan.
Kasalukuyang tinutugis ang tatlong pang suspek na sina: Reynante Padrigo, Philip Lacar at Gideon Sarol matapos na kasuhan ng murder. (Ulat ni Artemio Dumlao)