2 kawatan tumba sa barilan
January 16, 2005 | 12:00am
BATANGAS CITY Dalawa sa tatlong holdaper ang napaslang sa pakikipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya makaraang pasukin ang tindahan ng barangay cooperative sa Barangay Sirang Lupa, Batangas City kahapon ng madaling-araw.
Isa sa dalawang suspek na binawian ng buhay habang ginagamot sa Batangas Regional Hospital ay nakilalang si Melvin Daligos ng Quirino, Ilocos Sur.
Samantalang bineberipika pa ang isa na napatay sa lugar na pinangyarihan ng krimen habang nakatakas naman ang kasamahan.
Sa inisyal na imbestigasyong isinumite kay P/Senior Supt. Francisco Don Montenegro, Batangas PNP provincial director, bandang alas-2 ng madaling-araw nang pasukin ng tatlong kawatan ang tindahan ng barangay cooperative sa nabanggit na barangay.
Ayon pa sa ulat, habang dinudugas ng mga suspek ang laman ng naturang tindahan, nakatanggap ng tawag sa telepono si Barangay Captain Leonilo Cueto mula sa mga residente.
Agad namang humingi ng tulong si Cueto sa kapitbahay na si PO2 Edralin Delos Reyes at tinungo ang kinaroroonan ng tatlong armado ng baril sa loob ng nasabing tindahan.
Hindi na binigyan na makaporma pa ang mga suspek ng dalawa at umalingawngaw ang unang putok, subalit gumanti naman ang tatlo hanggang sa magkabarilan. Ilang minuto pa ang nakalipas ay rumesponde ang ilang kagawad ng pulisya at nakipagbarilan din hanggang sa bumulagta ang dalawang suspek habang nakatakas naman ang isa sa kasamahang kawatan. (Ulat nina Arnell Ozaeta at Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended