Inuman nauwi sa patayan
January 9, 2005 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 46-anyos na lalaki ng sariling kaibigan makaraang magkapikunan sa biruan habang magkasamang nag-iinuman ng alak sa Sitio Masikap, Barangay San Jose, Antipolo City kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Romulo Nekitpekit, samantalang agad namang nadakma ang suspek na si Jerry Perez, 38, matapos isagawa ang krimen dakong alas-9 ng gabi. Napag-alamang magkasamang nag-iinuman ng alak at nang malango sa alak ay nagkapikunan kaya naganap ang insidente. (Ulat ni Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended