Kumander ng CAFGU tugis sa kasong ambush-slay ng 6 katao
January 9, 2005 | 12:00am
CAMP SIONGCO, Maguindanao Naglunsad ng malawakang manhunt ang mga tauhan ng North Cotabato police laban sa kumander ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na utak ng ambush-slay ng anim-katao sa Alamada, North Cotabato noong Huwebes ng gabi.
Dalawa sa nakaligtas na biktimang sina: Susan Liboon at Melissa Butalid ay positibong kinilala ang isa sa mga suspek na si Efren Pagutalan, kumander ng CAFGU sa Barangay Bao, Alamada. Ayon sa ulat, sina Liboon; Butalid at ang napatay na sina Marcelo Erisido; asawang Juliana; mag-asawang Freddie at Herlanie Kimot at dalawang anak na sina Jesryl at Carlos Alegamar ay niratrat ng grupo ni Pagutalan habang ang mga biktima ay papauwi mula sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Sinabi pa ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, bago pa nagsitakas ang grupo ni Pagutalan ay nilimas pa ang mga alahas at pera ng mga biktima.
Inirereklamo rin ng mga residente ang grupo ni Pagutalan dahil sa patuloy na pangongotong sa kanila.
Nagpadala na ng mga tauhan si Major Gen. Raul Relano, division commander ng 6th Infantry para tulungan ang mga kagawad ng pulisya sa pagtugis sa grupo ni Pagutalan. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
1 hour ago
Recommended