^

Probinsiya

Water district executive nilikida

-
CALAMBA CITY, Laguna – Isang general manager ng water district office ang natagpuang patay sa loob ng kanyang sasakyan sa isang subdivision sa Barangay Pansol, Calamba City, Laguna kamakailan, ayon sa ulat ng pulisya.

Nakilala ang biktima na si Martin Tangcangco, 48, may-asawa, general manager ng Calamba Water District at nakatira sa Brgy. Paciano, Rizal, Calamba City, Laguna.

Natagpuan ang labi ni Tangcangco sa loob ng kanyang sasakyang Toyota Revo (WJK-326).

Namataan ang naturang sasakyan na nakaparada sa kahabaan ng isang kalye sa loob ng newly-developed subdivision sa Loc ng Purok VII, Barangay Pansol, Calamba City.

Nakarekober ang mga imbestigador ng dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 sa harap ng kanyang kotse.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga ng Disyembre 31, 2004, namataan ng isang Victoria Cruz, 44, caretaker ng naturang subdivision ang biktima na nakahandusay at patay na sa harap ng upuan ng naturang kotse.

May teorya ang mga imbestigador na ang killer ay kasama ng biktima.

Samantala, wala pang saksing lumilitaw at maituturing na blangko ang naturang pulisya sa nasabing natagpuang bangkay. (Ulat ni Ed Emoroso)

vuukle comment

BARANGAY PANSOL

BRGY

CALAMBA CITY

CALAMBA WATER DISTRICT

DISYEMBRE

ED EMOROSO

ISANG

MARTIN TANGCANGCO

TOYOTA REVO

VICTORIA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with