Magsasaka pinatay sa harap ng pamilya
January 2, 2005 | 12:00am
NUEVA ECIJA Isang ama ng tahanan ang hindi na umabot pa sa araw ng 2005, matapos na barilin ng isa sa tatlong mga suspek habang ito ay nanonood ng telebisyon kasama ang asawat limang anak sa Brgy. San Gregorio, Rizal, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Paciano Victorio Jr., 32, magsasaka.
Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-7:30 ng gabi, habang nanonood ng programang "Extra Challenge" sa GMA-7 ang biktima kasama ang kanyang pamilya ay bigla na lamang umanong pumasok ang mga suspek.
Puwersahan umanong sinira ng mga hindi nakikilalang lalaki ang pintuan ng bahay ng pamilya Victorio at nang makapasok ay isa sa tatlong lalaki ang bumunot ng baril at binaril sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima sa harap ng kanyang pamilya.
Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. Wala pang natutukoy na dahilan ang pulisya sa naganap na krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am