Kapatid ni Pugak nanaksak ng asawa
December 26, 2004 | 12:00am
San Mateo, Rizal Isang 54 anyos na ginang ang patuloy na ginagamot sa pagamutan matapos pagsasaksakin ito ng kanyang mister na umano ay kapatid ng namayapang komedyanteng si "Pugak" sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Supt. Mario Lico, hepe ng San Mateo Police ang biktimang si Sofia Amancec, 54 anyos, nagtamo ng dalawang tama ng saksak ng icepick sa kili-kili habang agad namang naaresto ang asawa nito na kinilalang si Ernesto Amansec, 62-anyos , isang ex-convict at miyembro ng Commando Gang; pawang residente ng Diaz Compound, Ampid II ng nabanggit na bayan.
Sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap dakong ala-1:20 ng hapon sa loob ng tahanan ng mag-asawa
Naglambing umano ang suspek sa biktima na niyaya nitong magtalik subalit ng tumanggi itong pasiping ay nagalit si mister at pinagsasaksak ang sarili niyang misis.
Napag-alaman pa na anim na buwan pa lamang nakakalaya ang suspek at ngayoy posibleng muling bumalik sa kulungan dahilan sa pananaksak sa kanyang asawa. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am