Misis tinodas ni mister
December 20, 2004 | 12:00am
Camp Simeon Ola, Albay Dahilan sa matinding selos pinagtataga at inilibing sa isang liblib na lugar ng isang mister ang sarili nitong misis sa Brgy. Bagacay, Tinambac, Camarines Sur, ayon sa ulat kahapon.
Halos naagnas na ang bangkay ng biktimang kinilalang si Marilyn Caceres, 27 anyos, may-asawa ng matagpuan ito kahapon ng bandang alas-12:30 ng tanghali sa magubat na bahagi ng nasabing barangay. Ang suspek na pakay ng hot pursuit operations ng mga awtoridad ay nakilala namang si Bernardino Caceres, nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar.
Batay sa report, nadiskubre ang bangkay na nakalibing sa mababaw na hukay dahilan sa masangsang na amoy nito bunsod upang hukayin ito ng kaniyang mga kapitbahay at dito na nadiskubre ang krimen.
Batay sa impormasyon, ang biktima ay nawawala simula pa noong Disyembre 3 ng taong ito.
Sa inisyal na impormasyon ng mga awtoridad ay nagkaroon ng matinding pag-aaway sa pagitan ng suspek at ng kaniyang misis na humantong sa pagpatay ng una sa kaniyang asawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest