Alitan nauwi sa patayan

CAVITE Pinaniniwalaang matinding alitan ang namagitan kaya nagawang pagtulungang saksakin ang isang 61-anyos na lalaki ng dalawang kasamahan sa bahay sa Barangay Maranan 2, Alfonso, Cavite kamakalawa. Tadtad ng tama ng patalim ang katawan ng biktimang si Alfredo Ganac habang nadakma naman ang dalawang suspek na sina: Ryan Salazar at Christopher Rollon, kapwa houseboy at residente ng Barangay Taywanak Ilaya, Alfonso, Cavite. Sa ulat ng pulisya, naitala ang krimen dakong ala-1:30 ng madaling-araw. Napag-alamang narinig ng mga kapitbahay ang sigaw ng biktima at agad na rumesponde kaya nakorner ang mga suspek. (Ulat ni Lolit Yamsuan)

Show comments