Trader nilikida

CABANATUAN CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 47-anyos na negosyante ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa naganap na karahasan sa Barangay Dalampang sa nasabing lungsod kamakalawa ng umaga. Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng biktimang si Reynaldo V. Javier ng Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija habang ang mga suspek na naka-motorsiklo ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon matapos isagawa ang krimen dakong alas-9:15 ng umaga. Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa negosyo ng biktima ang naganap na pamamaslang. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments