^

Probinsiya

23 katao tiklo sa jueteng

-
LINGAYEN, Pangasinan – Aabot sa dalawampu’t tatlong sibilyan ang dinakma ng mga kagawad ng pulisya sa isinagawang magkahiwalay na pagsalakay sa pinaniniwalaang jueteng den sa dalawang bayan sa Pangasinan kamakalawa.

Sa magkahiwalay na ulat, nasakote ang labimpitong sibilyan ng pinagsanib na puwersa ng pulis-Camp Crame at pulis-Sual matapos na salakayin ang lungga ng jueteng sa Barangay Caoayan, Sual, Pangasinan.

Anim-katao naman ang dinakma ng mga pulis-Crame at pulis-Labrador sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Labrador na may ginaganap na bolahan ng jueteng.

Sa ulat, aabot sa P6,259 na taya, bungkos ng jueteng papelitos, gamit sa sugal at pitong bisikleta ang nakumpiska sa dalawang lungga ng pasugalan. Nagpapatuloy naman ang operasyon ng mga kagawad ng pulisya laban sa sugal na jueteng. (Ulat ni Cesar Ramirez)

vuukle comment

AABOT

BARANGAY CAOAYAN

BARANGAY MAGSAYSAY

CAMP CRAME

CESAR RAMIREZ

CRAME

NAGPAPATULOY

PANGASINAN

SUAL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with