Walang piyansang inirekomenda si Judge Francisco Quilala ng Sarrat Municipal Circuit Trial Court laban sa mga suspek na sina: Sonny Flores; Erwin Gaor; at Rodrigo Gaor na pawang residente ng Barangay Marga-ay sa bayan ng Vintar.
Sa ulat ni Ilocos Norte police director Sr/Supt. Juan Luna, si Flores ay dinakma sa Barangay 2, Vintar noong Nobyembre 26 habang si Rodrigo Gaor ay nasakote sa Barangay 8 sa naturang bayan at si Erwin Gaor naman ay inaresto sa Barangay 5, Laoag City.
Sa isinagawang preliminary investigation ni Judge Quilala laban sa tatlo, lumilitaw na may probable cause para sampahan ng kasong double murder.
Ang pagkakadakip sa tatlong suspek ay unti-unting lumilitaw sa patuloy na imbestigasyon sa pagkakapatay kay Mayor Mabanag makaraang madakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang senior intelligence officer na nakabase sa Cordillera PNP at dalawa pang bayarang mamamatay-tao sa Abra.
Iniuugnay ang nasakoteng intelligence officer sa naturang krimen, partikular ang naganap na ambush-slay sa journalist na si Roger Mariano may dalawang buwan na ang nakalipas sa San Nicolas, Ilocos Norte. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)