Away ng 2 misis, mister pinatay

CAVITEPinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang mister makaraang makialam ang biktima sa away ng dalawang misis sa Barangay Pulo 1, San Lorenzo Ruiz, Dalahican, Cavite City kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pa ng ospital ang biktimang si Danilo Sodi matapos na magtamo ng maraming saksak ng patalim na isinagawa ng suspek na si Mario Edralin na ngayon ay nakakulong.

Ayon kay PO2 George Lapidario, naitala ang krimen dakong alas-6:30 ng umaga matapos na makialam ang biktima sa away ng kanyang misis at asawa ng suspek.

Sa ulat, nagalit ang suspek matapos na magsumbong ang misis nito na sinigawan ng biktima.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa paslangin ng suspek ang biktima. (Lolit Yamsuan)

Show comments