Sa panayam kay Armys 6th Infantry Division (ID) Commanding General Major Gen. Raul Relano, sinabi nito na walang naitatalang kaso ng kidnapping sa Central Mindanao kasunod ng pagkakapatay sa air strike operations sa lider ng Pentagon na si Commander Alonto Tahir at ng ikalawang pinuno ng grupo na nakilala sa alyas na Commander Tapuyak noong nakalipas na Agosto.
Ang Pentagon KFR ay responsable sa pagdukot sa mayayamang negosyante sa Central Mindanao habang ang mga ito rin ang itinuturong responsable sa pagbihag kay Italian priest Fr. Guiseppi Pierantoni noong Oktubre 17, 2002 sa Dimataling, Zamboanga del Sur. Sinabi ni Relano na paliit ng paliit ang mundo ng Pentagon dahilan hindi titigil sa operasyon ang militar hanggat hindi ang mga ito napupuksa. (Ulat ni Joy Cantos)