Kalansay ng tao nakuha sa septic tank
October 17, 2004 | 12:00am
CAVITE Isang kalansay ng lalaki ang nakuha ng helper sa hinuhukay na poso negro ng isang opisyal ng Phil. Navy sa Sangley Point, Cavite City kahapon.
Sa salaysay ni Leo Dangue, 30, may asawa, tubong Palawan, helper at residente sa lugar, aksidenteng nahukay nila ang kalansay ng di pa nakilalang biktima sa butas ng poso negro sa #355 F. Daniel Tirona St. sa kanto ng Pecible St., Sangley Point.
Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Julio Perez Jr., may hawak ng kaso, bandang alas-11 ng tanghali habang hinuhukay nina Dangue ang lugar para gawing ekstensiyon ng quarters ng isang Phil Navy officer ng magulantang sila sa nahukay na kalansay.
Naghihinala naman ang pulisya na pinaslang ang biktima at lihim na inilibing sa nasabing septic tank.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. (Ulat ni Cristina G. Timbang at Lolit Yamsuan)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended