Militant leader todas sa ambush, 1 pa grabe
October 17, 2004 | 12:00am
TACLOBAN CITY Napaslang ang isang lider ng mga militanteng grupo samantalang malubha namang nasugatan ang isang inhinyero makaraang tambangan ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Sammuel Bandilla, may-asawa, 45-anyos at residente ng Tacloban City, Regional Coordinator ng Anak Pawis at ng Regional Chapter ng Kilusang Mayo Uno at ang nasugatan ay si Engineer Bernardo Devaras, may-asawa, 42-anyos, dinismis na empleyado ng Leyte Metropolitan Water District.
Bandang alas-9 ng gabi habang ang mga biktima na kagagaling lamang sa isang picket rally at magkaangkas sa motorsiklo pauwi na sa kanilang tahanan nang pagbabarilin ng dalawang salarin na pawang armado ng .45 caliber pistol pagsapit sa Brgy Anibong ng lungsod na ito.
Nabatid na kapwa tinutuligsa ng dalawang biktima na tagapagsalita sa nasabing rally ang katiwalian at hindi makataong pagtatanggal ng mga empleyado ng nasabing sangay ng Metropolitan Water District sa lalawigan.
Naghihinala naman ang mga awtoridad na may kinalaman sa ibinulgar na kontrobersiya ng mga biktima ang pananambang sa mga ito.
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya sa kasong ito upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga salarin. (Ulat ni Miriam Desacada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended