Immigration police dinakip
October 14, 2004 | 12:00am
BATANGAS CITY Isang tauhan ng Bureau of Immigration (BID) police na nakatalaga sa Batangas International Port ang iniulat na dinakip ng pulisya makaraang mamaril ng isang emplayada ng Customs kamakalawa sa nabanggit na lungsod. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Armand Banaag, 48, ng Sta. Clara, Batangas City.
Ayon kay P/ Supt. Fausto Manzanilla, hepe ng PNP Batangas City, lango sa alak ang suspek nang magtungo sa opisina ng Customs dakong alas-11 ng umaga at kinukursunada ang makasalubong hanggang sa sunud-sunod na magpaputok ng baril. Dito na tinamaan sa hita ang biktimang si Maricel Manguiat, clerk ng Customs. Dahil sa ang-isyu ng affidavit of desistance ang biktima sa kasunduang sasagutin lahat ng gastos sa ospital ay pinalaya ang suspek. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended