2-katao todas sa road mishap

ATIMONAN, Quezon — Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi makaraang sumalpok sa gilid ng highway ang trak na sinasakyan ng mga biktima sa Barangay Malinao Ilaya sa bayang ito kamakalawa ng umaga. Hindi na umabot pa ng buhay sa Doña Marta Hospital ang mga biktimang sina: Alfredo David, 50, trak drayber at Rolando Bensar, pahinante at kapwa residente ng Pampanga.

Ayon sa ulat, naitala ang insidente dakong alas-7 ng umaga matapos na mawalan ng kontrol ang drayber ng trak (CWJ-964) at sumalpok sa gilid ng highway dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments