^

Probinsiya

2 kasapi ng grupong gun-for-hire, nilikida

-
CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas City — Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng notoryus na sindikato ng gun-for-hire ang iniulat na nilikida makaraang ratratin at hagisan ng granada ng mga hindi kilalang kalalakihan ang bahay ng mga biktima sa Sitio Lagundi, Barangay Banaba West ng nasabing lungsod kamakalawa ng madaling-araw.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng armalite rifle ang katawan ng mga biktimang sina: Rommel Castillo, 49 at Michael Sorio, 40 na kapwa tubong Tiaong, Quezon at residente ng nabanggit na barangay.

Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Fausto Manzanilla Jr., police chief ng Batangas City, bandang ala-1:30 ng madaling-araw, may pumaradang sasakyan ng anim hanggang pitong armadong kalalakihan sa harap ng bahay ng mga biktima. Biglang naghagis ng granada at kasunod nito ay umaatikabong putok ng malakas na kalibre ng baril na ikinasawi ng dalawang biktima.

Matapos ang insidente ay parang walang anumang lumayo ang mga killer hanggang sa marekober ng pulisya ang 217 basyo ng armalite rifle, samantalang nanatiling walang makalap na impormasyon ang mga awtoridad sa malagim na sinapit ng mga biktima.

Napag-alaman na ang mga biktima ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni MTC Judge Ceasar Orias ng Tiaong, Quezon sa kasong murder.

Nabatid pa kay Manzanilla, ang dalawang biktima ay kapwa miyembro ng Blackshark Group, isang sindikato na lumilinya sa robbery, gun-for-hire at "paihi" (pilferage of gasoline and LPG) na operasyon sa Batangas. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BARANGAY BANABA WEST

BATANGAS CITY

BLACKSHARK GROUP

FAUSTO MANZANILLA JR.

JUDGE CEASAR ORIAS

MICHAEL SORIO

QUEZON

ROMMEL CASTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with