Drug pusher nalunod
October 3, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Patay ang isang pinaghihinalaang drug pusher makaraang aksidenteng malunod nang tumalon sa dagat habang hinahabol ng mga awtoridad na aaresto sa kaniya sa Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Executive Director Undersecretary Anselmo Avenido Jr. ang nasawing suspek na si Abdurajik Majalis ng Purok 3-A, Brgy. Recodo ng nasabing lalawigan at umanoy kilabot na drug pusher sa kanilang lugar.Sinabi ni Avenido na nagsagawa ng buy bust operation ang kaniyang mga tauhan sa nasabing lungsod dakong alas 11:30 ng umaga subalit sa halip na sumuko ay nagtatakbo ang suspek hanggang sa tumalon sa dagat sa kabila ng tinamong tama ng bala sa hita na siya nitong naging katapusan. (Ulat ni Angie de la Cruz)
ZAMBOANGA CITY Nilindol ang katimugang bahagi ng baybayin ng lungsod na ito ayon sa report ng lokal na tanggapan ng Philippine Volcanology and Seismology kahapon. Ang lindol na tectonic ang pinagmulan ay naitala sa intensity 2 na naramdaman sa lugar dakong ala-1:50 ng hapon. Hinahanap naman ng mga opisyal ng Phivolcs ang epicenter ng lindol na tumagal ng anim na segundo. Wala namang naging pinsala ang naganap na lindol. (Ulat ni Roel Pareño)
RODRIGUEZ, RIZAL Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong magkakapatid ang isang Brgy. Tanod dahilan sa pakikialam sa away ng isa sa mga salarin at nobya nito sa Brgy. San Rafael ng bayang ito kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Lemuel Reyes, residente ng Sitio Tabak, Brgy. San Rafael ng nasabing bayan. Pinaghahanap naman ang mga suspek na sina Dionisio, Gilbert at Francisco Collado, pawang residente sa lugar. Base sa imbestigasyon, naitala ang insidente bandang alas 8:15 ng gabi sa Sitio Tabak ng bayang ito. Nabatid pa na nag-ugat ang krimen matapos na masamain ng suspek na si Dioniso ang pag-awat ni Reyes sa alitan nila ng kaniyang kasintahan kaya binuweltahan ang biktima. (Ulat ni Edwin Balasa)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am