Barangay chairman, 2 pa todas sa shootout
October 3, 2004 | 12:00am
DASMARIÑAS, CAVITE Tatlo katao kabilang ang isang Brgy. Chairman ang kumpirmadong namatay makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang mga armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo sa mismong harapan ng munisipyo ng bayang ito kahapon.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Hadji Ali Dimasar, 26, Brgy. Chairman ng Brgy. H-2, Amasare Dimasar at Samad Israel, pawang ng Dasmariñas ng lalawigang ito.
Samantalang ang mga suspek na pawang armado ng M16 rifles at 9mm caliber pistol ay mabilis na tumakas matapos ang ginawang pamamaril sa mga biktima sakay ng motorsiklo.
Batay sa report mula sa tanggapan ni P/Chief Inspector Antonio Yarra, hepe ng Dasmariñas police, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali habang ang mga biktima ay galing sa isang pagpupulong hinggil sa liga ng mga barangay ng puntiryahin ng pamamaril ng mga salarin.
Sinamantala naman ng mga suspek ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar nang magsitakas ang mga ito.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng M16 rifle at 9mm pistol na ginamit sa pamamaslang habang patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng pagpatay sa mga biktima. (Ulat ni Lolit Romen Yamsuan at Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest