Binawi nina Aniceto Fabito, 40, isang treasurer hunter ng Barangay San Nicolas, Gapan City at Christopher Javate, officer-in-charge ng J. Victoria Montessori School sa Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija ang nauna nilang pahayag sa reporter ng Manila Standard na si Christine Herrera.
Ayon sa dalawa, humihingi sila ng sorry at pang-unawa hindi lamang kay Ms. Herrera, kundi maging sa mga kababayan nila at sa kapulisan. Idinagdag pa nila na kaya biglang kumalat ang ganung balita ay dahil sa gusto lamang nilang sabihan o balaan ang mga tao sa nasabing sindikatong gumagala na dumudukot ng mga bata.
Nabatid na nakuha umano ni Fabito ang naturang impormasyon sa isang text message na kanyang natanggap, habang si Javate naman ay narinig umano niya ang kanyang mga kasamahang guro ang tungkol sa balitang iyon.
Kasabay nito, sinabi ni Aglipay na sasampahan ng kaso ng pulisya ang dalawa na nagpakalat ng balita na umalarma hindi lamang sa taong bayan kundi maging sa PNP at Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Aglipay, mahaharap ngayon sa kasong kriminal ang dalawa dahil sa perwisyong idinulot nito sa mamamayan ng Nueva Ecija kahit humingi pa ito ng public apology. (Ulat nina Christian Ryan Sta. Ana at Joy Cantos)