Suspek sa San Mateo explosion tukoy na

Isang malawakang manhunt operation ang isinasagawa ng San Mateo Police makaraang ilabas na ang cartographic sketch ng isang lalaking responsable sa paghahagis ng pillbox na ikinamatay ng mag-ama at ikinasugat ng 27 katao habang nasa kasiyahan ng pagdiriwang ng piyesta noong Martes ng gabi.

Ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Ding, isa sa mga vendor na umuokupa ng puwesto sa lugar

Lumalabas sa imbestigasyon na ang suspek ay nagtitinda ng mga poster at sumbrero sa harapan ng aluminum shop sa kahabaan ng Gen. Luna st., Brgy. Bagong Bayan II ng nasabing bayan na pinagsabugan ng pillbox at ikinasawi ng mag-amang Christopher Andal at John Paul Ramirez dakong alas-11:45 ng gabi noong Set. 21. Away umano sa puwesto ng mga tiangge ang pinag-ugatan ng nasabing insidente. (Edwin Balasa)

Show comments