Ito ang nabatid kahapon kay Armed Forces of the Philippines-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero.
"May nakakita sa kanya sa Sulu archipelago," ani Lucero pero aminado itong sadyang madulas si Janjalani na nagpapalipat-lipat ng lugar upang makaiwas sa dragnet operations ng military na tuluy-tuloy na tumutugis dito. Si Janjalani ay may patong sa ulong P10 milyon at karagdagang $1-milyon na inilaan naman ng Estados Unidos sa wanted na Abu Sayyaf leader.
Sa panig naman ni Joint Task Force Comet Commander Brig. Gen. Agustin Demaala, sinabi nito na positibo ang kanilang impormasyon na nasa Pilipinas pa si Janjalani at nagpapaikut-ikot lamang ng pagtatago sa pagitan ng mga isla ng Tawi-Tawi at Sulu.
Ayon pa sa opisyal walang indikasyong nakalusot na sa kanilang kordon ang nasabing Abu Sayyaf leader kasama ang kanyang mga armadong tauhan bagamat sinasabing may balak talaga ang grupo nito na tumakas patungong Malaysia. (Joy Cantos)