^

Probinsiya

Huwes, 2 pa sugatan sa amok na ex-convict

-
Tacloban City Isang huwes, misis nito at driver ang nasugatan matapos pagsasaksakin ng isang nag-amok na ex-convict na nasa impluwensiya ng alak sa Biliran, Leyte kamakalawa.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Felipe Portacio, hepe ng Biliran Municipal Police Station ang mga biktima na sina Assistant Prosecutor Robert Visbal, 56; asawa nitong si Asuncion, 44; at driver na si Norberto Santese, 56; pawang idineklara nang nasa ligtas na kalagayan sa Divine Word University Hospital.

Sa imbestigasyon, nabatid na ang mga biktima ay pauwi na sa kanilang tahanan ng biglang sumulpot sa lugar ang suspek na si Jesus Alverio alyas Enot at makisakay sa sasakyan ng mag-asawa.

Gayunman, may limang kilometro pa lamang ang kanilang nalalakbay ay bigla na lamang pinagsasaksak ng mga suspek ang mga biktima.

Nabatid na ang suspek ay isang dating preso na nahatulan sa pagpatay sa isang pulis mahabang panahon na ang nakalilipas. Pinaghahanap pa ang suspek na nahaharap sa kasong 3 counts ng frustrated murder. (Miriam Desacada)

ASSISTANT PROSECUTOR ROBERT VISBAL

ASUNCION

BILIRAN MUNICIPAL POLICE STATION

DIVINE WORD UNIVERSITY HOSPITAL

FELIPE PORTACIO

JESUS ALVERIO

MIRIAM DESACADA

NORBERTO SANTESE

SR. SUPT

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with